Kylie Padilla, idinawit sa isyu ng pagtataksil

Nadawit ang aktres na si Kylie Padilla sa mga alegasyon ng pagtataksil matapos nitong makipaghiwalay sa kaniyang asawa na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos sabihin ng isang fan sa kaniyang Instagram post na base sa alegasyon ng isang Xian Gaza, ay naghiwalay sila ni Aljur dahil high maintenance ang aktres, at marami itong manliligaw na mayaman at mga artista, at kabilang na doon si JM de Guzman.

Agad naman nag-reply si Kylie sa komento kung saan ay sinabi niya na magkaibigan lamang sila ni JM, at walang katotohanan ang nasabing alegasyon.

Una na rin nadawit si Aljur sa mga alegasyon ng pagtataksil kasama ang mga nakatrabaho nito noon, kabilang na ang kaniyang leading lady sa pelikulang “Nerisa” na si Cindy Miranda.

Matatandaan na pinasinungalingan na rin ng dating breauty queen na si Cindy ang alegasyon.

Kung maalala ay naging usap-usapan ang pagtataksil sa pagitan nina Kylie at Aljur matapos ibunyag ng ama ng aktres na si Robin Padilla, na may kinalaman sa “third party” ang hiwalayan ng dalawa.

Samantala, inihayag naman ni Kylie na meron silang “healthy co-parenting set-up” ni Aljur sa kanilang mga lalaking anak na sina Alas at Axl.