Inihayag ng head ng World Head Organization na naantala ang mga imbestigasyon kaugnay sa pinagmulan ng COVID-19 pandemic sa China dahil sa kakulangan ng raw data sa mga unang araw na kumalat ito.
Dahil dito ay nakiusap si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa China na maging transparent at bukas sa kooperasyon.
Iginiit ni Tedros na may utang sila na paliwanag sa publiko lalo na sa mga nagsakripisyo at nasawi sa gitna ng pandemya.

Matatandaan na nagtungo ang WHO-led team sa central city ng Wuhan kasama ang Chinese researchers sa loob ng apat na linggo kung saan ay sinabi nito sa isang joint report noong Marso na posibleng na-transmit ang virus mula sa mga paniki papunta sa mga tao, sa pamamagitan ng ibang hayop.
Samantala, binatikos naman ng China ang teorya na nakawala ang virus mula sa isang laboratoryo sa Wuhan kasabay ng pagsasabi nito na tigilan na ang pamumulitika sa isyu dahil hindi lamang ito makakatulong sa mga imbestigasyon.