Kyla, nakaranas ng miscarriage sa ikatlong pagkakataon

Isiniwalat ng singer na si Kyla na sa ikatlong pagkakataon ay nakaranas ito ng miscarriage.

Sa Instagram post ni Kyla ay ibinahagi niya ang isang black and white photo na nagpapakita sa baby bump niya kasama ang kaniyang lalaking anak na si Toby.

Sinabi ni Kyla sa caption, “My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby,”

Read More:  Kris Aquino open to public service, hopes to become DOH secretary

Dagdag ni Kyla, “Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie,”

Read More:  Lani Misalucha mourns passing of older sister May Bayot-de Castro

Agad naman nagpaabot ng dasal at suporta ang mga kapwa singers ni Kyla kabilang na sina Rachelle Ann Go, Kyla, at Mark Bautista.

Matatandaan na winelcome ni Kyla at ng asawa niya na si Rich Alvarez ang panganay nila noong 2013, at nasundan naman ito  ng dalawang miscarriages noong 2018.