Bagyong Fabian, malapit na sa severe tropical storm category

Bahayang lumakas ang bagyong Fabian, at halos malapit na ito sa severe tropical storm category.

Base sa huling Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA ay huling namataan ang Fabian sa layong 1,090 km Silangan Hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kph malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 105 kph.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kumikilos ito papunta sa Hilaga Hilagang-kanluran na direksyon sa bilis na 10 kph.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng gabi, o sa umaga ng Miyerkules.

Hindi na inaasahan ng PAGASA na magkakaroon ito ng direktang epekto sa bansa, ngunit hinahatak nito at ng isang tropical depression na nasa labas ng PAR ang Hanging Habagat na nagdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dahil diyan ay asahan na ang moonsoon rains sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, CALABARZON, at Western Visayas.

Para naman sa Mindanao at sa nalalabing bahagi ng Visayas ay asahan na ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan o thunderstorms.