Oposisyon sa Kamara, naniniwala na gusto lamang ni Pangulong Duterte na maging ‘successor-president’ sa kaniyang VP bid

Naniniwala ang ilang mambabatas na bahagi ng oposisyon sa Kamara na gusto lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections dahilmay intensyon ito na maging isang “successor-president”.

Sinabi ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na maling-mali ang alibi ng Pangulo na makakakuha ito ng immunity from suits sa pamamagitan ng pagtakbo bilang Bise Presidente.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Binigyang diin ni Lagman na alam naman ng Punong Ehekutibo na ang presidente lamang ang immune mula sa mga kaso.

Anya, isiniwalat lamang ng Pangulo ang totoong intensyon nito na maging “successor-president”.

Matatandaan sa national assembly ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ay inamin ng Pangulo na ang pagtakbo niya bilang Pangalawang Pangulo ay may kinalaman sa pinaplanong mga kaso nina dating senador Antonio Trillanes IV at retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio laban sa kaniya.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Inihayag ng Pangulo, na isa rin abogado, na may nakasaad sa Saligang Batas na kung presidente o bise presidente ng bansa ang isang indibidwal ay hindi sila pwedeng makasuhan.