Kuwaiti national, nalunod- Patay!

Patay ang isang Kuwaiti National matapos malunod sa Starfish Island, Honda Bay, Bgy. Sta. Lourdes Puerto Princesa City.

Kinilala ng PNP Maritime ang banyaga na si Abdul Aziz Hasan 31 anyos.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Base sa ulat ng 2nd Special Operation Unit- Maritime Group, ganap na 10:56 ng umaga nitong Biyernes nangyari ang pagkalunod.

Tumawag sa pulisya ang kaibigan ng banyaga na si Mohammad Altayyar at iniulat na pumunta sila sa Isla para magsaya subalit biglang nawala ang biktima na huling nakita na nag-i-snorkeling.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang banyaga ay idineklarang Dead on Arrival sa isang pribadong ospital sa Lungsod.