Hindi agad nasimulan ang pay-out ng Educational Assistance sa Puerto princesa kaninang umaga.
Ito ay dahil sa maraming walk in applicants ang umakyat at nakipag-diskusyon sa mga tauhan ng DSWD sa Mendoza Park.
Hinarap sila ni SWADT Leader Eric Aborot pero ang iba ay hindi agad tinanggap ang paliwanag na nag-anunsyo na agad na bawal ang walk in applicants.
Marami din ang dumating kaninang umaga sa pay out center na hindi pa alam ang link para sa online registration.
Kaugnay nito, ganap na alas nwebe y medya kanina ay umarangkada ang assesment sa mga pumunta habang ang iba ay pinayuhan na umuwi na muna habang naghihintay ng kompirmasyon.