Kumpirmadong patay sa CALABARZON dahil sa bagyong Carina at Habagat, umakyat na sa 9

Nagtungo si Pangulong Bongbong Marcos sa Mauban, Quezon upang alamin din ang sitwasyon ng mga residente matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

Sa situation briefing kanina, iniulat ni DILG Secretary Benhur Abalos na umakyat na sa syam ang kumpirmadong nasawi sa CALABARZON region.

Read More:  Marcos mourns 2 students killed in Zamboanga shooting, orders probe

Kabilang dito ang isa sa Panukuluan, Quezon; apat sa Batangas; at merong tig-isa sa Kawit Cavite; San Mateo at Rodriguez sa Rizal.

Read More:  Malacañang hits Erice’s claim that Marcos cannot jail Romualdez

Habang meron namang tatlong naiulat na missing, kabilang dito ang tatlong nawawala sa Rizal at isa sa Cavite.

Samantala, matapos sa Quezon ay di-diretso namana ng Pangulo sa San Mateo, Rizal.