Kulang na flood control projects ng DPWH – pinuna ng isang senador

Idiniin ni Senador Alan Cayetano na posibleng naiwasan o nabawasan ang epektong dala ng pagbaha ng Bagyong Carina kung nakumpleto lang ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang matagal nang flood control projects.

Bago ito, una ng sinabi ng ilang senador na naglaan sila ng bilyong halaga kada araw para magamit sa flood control projects ng bansa bilang paghahanda sa mga ganitong sitwasyon.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kinwestyon din ni Cayetano ang labis na paggamit ng DPWH ng P200 bilyon para lang sa maintenance at rehabilitation ng ilan nilang proyekto kaysa magamit ito sa pagtayo ng iba pang imprastruktura na makakatulong sa pagkontrol sa baha.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Anya, kung patuloy kaseng ginagamit sa pagpapanatili ng mga kasalukuyang proyekto ang pondo ay ibig sabihin hindi maganda ang pagkakagawa rito o luma na.

Kasunod nito, iminungkahi niya ang pag-iinvest pa sa Department of Science and Technology (DOST) upang magamit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pondo sa pagpapatibay ng kanilang hazard mapping na makakatulong sa DPWH.