Halos 100 tonelada ng basura, nahakot ng MMDA sa Metro Manila matapos ang pananalasa ng bagyong Carina

Umabot sa halos 100 tonelada ng basura ang nakolekta ng mga tauahan ng MMDA sa dalawang araw nilang paglilinis sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ito ay matapos ang malawakang pagbaha na dulot ng habagat at bagyong Carina.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, marami silang nahakot na basura hindi pa rito kasama ang mga nahakot na basura ng mga Local Government Unit.

Aminado naman ang opsiyal na malaking sagabal ang mga basurang bumara sa mga drainage system at pumping stations na makatutulong sana para maibsan ang pagbaha.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Patuloy naman ang paalala ng ahensiya na maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan sa pamamagitan pagre-recycle ng basura na maaari pang mapakinabangan at tamang pagtatapon ng basura.