Kuhang video ng pangha-harass ng China sa mga mangingisdang Pilipino, isinumite sa PCG

Isinumite na sa Philippine Caost Guard ang salaysay at kuhang video ng isa sa mga mangingisdang nakaranas ng pangha-harass ng China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon sa mga mangingisda, hindi makatao ang ginawa sa kanila ng Chinese Coast Guard sa kanilang pangongolekta ng mga kabibe malapit sa bahura.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Masama ang loob ng mgaa biktimang mangingisda sa ginawa ng CCG lalo na’t itinuturing na traditional fishing ground ang mga mangingisda mula Pilipinas, China, at Vietnam ang Bajo de Masinloc.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela gagawa sila ng incident report laban sa China Coast Guard.

Umaasa naman si Tarriela na magkakaroon pa rin ng positibong impact ang pag-uusap ng dalawang bansa para pahupain ang tensyon sa West Philippine Sea.