Sinimulan ng talakayin ng Pilipinas at Vietnam ang proposed Memorandum of Understanding sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Vietnam Coast Guard.
Ito ay sa kasagsagan ng naging courtesy visit ni Republic of Vietnam Standing Deputy Minister Affairs, Nguyen Minh Vu, Vietnam Ambassador to the Philippines Dr. Lai Thai Binh, at iba pang mga kinatawan ng Philippine Embassy sa National Headquarters ng PCG sa Port Area, Manila.
Tinalakay sa pagpupulong ang ilang mga usapin kabilang na ang nilalaman ng proposed Memorandum of Understanding ng PCG at VCG.
Layunin nito na mas paigtingin pa ang strategic partnership at cooperation sa pagitan ng mga coast guard ng Pilipinas at Vietnam tungo sa promotion, preservation, at protection ng mutual interest ng magkabilang panig.
Kasabay nito ay nagbigay din ng comprehensive briefing ang PCG sa Vietnamese delegation tungkol sa kasalukyang engagement at maritime security operations ng kanilang hanay sa West Philippines Sea.