Kristine death toll: 20

Sumampa na sa 20 napaulat na nasawi sa Bicol Region dahil sa Bagyong Kristine.

Batay ito sa ulat ni Police Regional Office-5 Director, PBGen. Andre Dizon hanggang kaninang alas-7 ng umaga.

Mula sa nasabing bilang, pito rito ay mula sa Naga City, lima sa Catanduanes, apat sa Albay, habang tig-isa sa Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon at Masbate

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod, habang may isa naman sa Masbate na madaganan ng natumbang puno

Gayunman, nilinaw ni Dizon na sasailalim pa sa validation ng Department of the Interior and Local Government Management of the Dead and Missing ang mga napaulat na bilang ng nasawi.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Maliban sa mga nasawi, may apat pa ang nawawala kung saan, dalawa rito ay mula sa Masbate, habang tig-isa naman sa Camarines Sur at Albay

Tinututukan ng pulisya sa nagpapatuloy na search and rescue operation ang mga bayan ng Ligao, Oas, Libon at Polangui sa Albay gayundin sa Nabua sa Camarines Sur na lagpas-tao ang baha maging sa Naga City.