KORONADAL CITY — Pinag-iingat ngayon ng City Veterinary Office o City Vet ang publiko laban sa posibleng pagpasok ng African Swine Fever o ASF kasabay ng ber months at nalalapit na Pasko.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Charlemagne Calo, mahigpit ngayon ang kanilang ginagawang pagbabantay upang hindi makapasok ang pork products sa lungsod mula sa mga lugar na itinuturing na red zone dahil sa ASF.
Nagpapaalala naman si Calo na iwasan ang pagbibigay ng tira-tirang pagkain sa mga alangang hayop upang maiwasan ang kontaminasyon at pagkakasakit ng mga alagang baboy.
Pinaalalahan naman ng opisyal ang lahat na piggery owners na umiikot parin ang mga tauhan ng City Veterinary office upang magsagawa ng random blood sampling upang masiguro na ligtas ang lungsod sa ASF.
Matatandaan na nananatiling ligtas ang Koronadal City at South Cotabato sa ASF.
