Koronadal, alerto kontra bird flu

KORONADAL CITY — PATULOY ang paghihigpit ng Koronadal laban sa avian influenza o bird flu.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng lungsod sinabi nito na naka-alerto ang kanilang mga checkpoints na nagbabawal sa pagpasok sa lungsod ng mga poultry products at poultry animals na walang kaukulang dokumento.

Read More:  Fetus found inside female comfort room at Negros Occidental Coliseum

Kasabay nito, tuloy din umano ang kanilang blood sampling sa mga poultry farms sa lungsod lalo na sa mga nag-aalaga ng bibe.

Read More:  Bishop raises family, social concerns over Boracay casino

Hiling na lamang nito sa mga magbi-bibe na baguhin na ang farming style at huwag nang ibiyahe ang mga ito upang maka-iwas sa nakakahawa at nakakamatay na bird flu.