DepEd So.Cot naghahanap ng school site donor para sa relocation ng Kiantay Elem.School

KORONADAL CITY- NAGHAHANAP na ng school site donor ang South Cotabato Schools Division Office para sa relocation ng 207 na mga enrolled learners ng Kiantay Elementary School sa Barangay Upper Sepaka sa bayan ng Surallah.

Ito ay matapos inirekomenda ng Mines and Geosciences Bureau o MGB Region 12 ang immediate relocation dahil sa mga tension cracks.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kasalukuyan, ang mga guro ng Kiantay Elementary School ay pansamantalang gumagamit ng gymnasium para sa distribution at retrieval ng mga self-learning modules.

Kaugnay nito, nananawagan ang DepEd South Cotabato sa mga gustong mag-donate ng kahit isang ektarya na school site na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Maliban sa school relocation, naghahanap na rin ng relocation site ang LGU Surallah para sa mga apektadong residente ng Sitio Kiantay.

Inirekomenda din ng MGB 12 ang detailed geotechnical study upang matukoy ang lalim at lawak ng tension cracks na resulta ng paglambot ng lupa dahil sa sunud-sunod na pag-ulan.