Korean president Yoon Suk Yeol – bibisita sa bansa sa susunod na linggo

Darating sa bansa sa susunod na linggo ang Presidente ng Korea na si Yoon Suk Yeol para sa isang araw na state visit sa Pilipinas kasunod ng naging imbitasyon sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sasalubungin si Yoon sa October 7 sa Palasyo ng Malacañang nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Ang pagbisita ng Presidente ng Korea ay bahagi ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic ties ng Pilipinas at Korea na nagsimula noong Marso 1949.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider upang talakayin ang mga isyung pang-ekonomiya, depensa, pulitika, maritime, economic and development fields, people-to-people ties, gayundin ang labor at consular matters.

Ito ang unang bilateral visit ng isang pangulo ng Korea sa Pilipinas mula noong 2011.