KORONADAL CITY- NAGPALABAS ng public advisory ang provincial government ng South Cotabato kaugnay sa mga do’s and don’t’s sa selebrasyon ng T’nalak Festival na nagsimula noong July 13 hanggang July 18.
Mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng Tnalak venues at events ang pagdala ng backpack bag at mga deadly weapon.
Ipatutupad din sa mga public places at mga aktibidad ang No Smoking Policy.
Samantala, hinihikayat naman ni Police Major Rommel Constantino, head ng Police Community Affairs and Development Unit ng South Cotabato Police Provincial Office o SCPPO ang publiko na i-report sa mga otoridad ang mga kaduda-dudang mga indibidwal, iniwang mga bags, karton at iba pang gamit.
Umapela din ito ng kooperasyon ng lahat upang mapanatiling ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng kapistahan.
May itinalaga namang Police Assistance Desks ang PNP sa Alunan Avenue ng Koroandal na maaaring puntahan at hingan ng tulong ng mga mamamayan.
