Kontrata sa supplier ng National ID, pinutol na ng BSP

Tinerminate na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kontrata nito sa AllCard Inc., ang supplier sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) ng pamahalaan.

Ito ay matapos mabigong gawin ng AllCard ang obligasyon nito sa ilalim ng kasunduan – dahilan para maantala ang produksyon at paghahatid ng mga national ID cards.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon sa BSP, tanging 57.9M lang na mga personalized na national ID cards ang nai-produce noong 2022 hanggang 2023, mula sa target sanang 116M cards.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dahil dito, umabot sa P1.06B ang production loss.

Katumbas ito ng 49.91% ng P2.1-billion contract na iginawad sa AllCard.