Konstruksyon ng kalsada sa dalawang pinakamalayong Barangay ng Mercedes sisimulan na ng DPWH

CAMARINES NORTE – Malapit nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng kalsada mula sa Barangay Lalawigan patungong Lanot, ang dalawang pinakamalayong Barangay ng Mercedes, Camarines Norte.

Sa Abril 26 nitong taon ay isasagawa ang ground breaking ceremony. Ang proyekto ay nakapaloob sa Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gaps (SIPAG). Nitong Huwebes ay nagkaroon ng pre- construction meeting sa pagitan ng DPWH Regional Office V at LGU kung saan ipinakina ng una ang kabuuan ng gagawing road construction.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang pagkakaroon ng maayos na kalsada sa lugar ay malaki ang maitutulong sa pag- angat ng estado ng pamumuhay ng mga residente dahil magiging mabilis at accessible na ang lugar na kilala rin sa pagkakaroon ng magandang tourist destination. Sa loob ng ilang dekada, hindi pa nakakatikim ng magandang kalsada ang mga residente sa mga nabanggit na lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *