Konseho ng Naga kinukuwestiyon ang mababang alokasyon ng bakuna sa lungsod

NAGA CITY-Hindi pa nakakapagsimula ang Naga City sa pagbabakuna sa mga nasa A4 Priority  o mga  nasa essential sectors kasama ang mga uniformed personnel at iba pang tinukoy ng Inter agency task force o IATF sa grupo.

Ito ay sa kabila ng pagkakasama ng Naga sa mga lugar na prayoridad dahil nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dahil dito hindi tuloy sa konseho na maisip na tila may politika. Malayo kase ang agwat sa ibang mga rehiyon. Nais ng konseho na maintindihan ang mababang alokasyon ng bakuna.

Batid din ng konseho na may ilang LGU nang pinapayagan na bakunahan na ang A4.

Matatandaan na sumulat na ang Naga sa NIATF na dagdagan ang alukasyon ng bakuna mula sa DOH.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Para makabili ng sariling bakuna, gumawa na ng Multiparty Agreement ang LGU Naga sa pagitan ng manufacturer, IATF Vaccine Cluster Czar Sec. Carlito Galvez, Jr., at DOH Sec. Francisco Duque III. Pirmado na ito sa parte ng Naga at manufacturer ngunit hinihintay pa ang pirma nina Sec. Galvez at Sec. Duque.