Kongreso, tinaasan ang cancer funds ng mga Pilipino sa P1.56B

Pinuri ni Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto ang ginawa ng Kongreso na palakasin ang P1.56 billion sa line-item funding para sa dalawang cancer funds sa 2023 General Appropriations Act (GAA).

Sa isang pahayag, kinilala ni Recto ang insertion mula sa zero sa P1.56 billion na karagdagang budget para matulungan ang milyon-milyong Pilipino na nakakaranas ng iba’t-ibang uri ng cancer kada taon.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Paglalawaran ng mambabatas, na ang naturang development ay result ng multi-partisan at bicameral na pagsusulong.

Giit nito, na ang cancer fund ay hindi tumor na kailangang i-excise mula sa budget, sa halip ay treatment tool na kailangang palakasin.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ang P1.054 billion ay ilalaan sa ilalim ng pondo ng Department of Health (DOH) na para sa cancer prevention, detection, treatment at care alinsunod sa Republic Act 11215, o ang National Integrated Cancer Control Act.