Magsasagawa ang House Committee on Constitutional Amendments ng kanilang second public hearing kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 Constitution o “charter change” ngayong araw, Feb. 6.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang panel chairperson, na ang mga dadalo sa pagdinig ay mga kinatawan mula sa civil society groups, academe, business groups at mga ahensya ng gobyerno.
Mababatid na sa unang pagdinig noong Enero 26, dumalo ang mga legal luminaries, kabilang na ang mga retired Supreme Court justices at mga framers ng 1987 Constitution, at nagbigay ng kanilang opinyon kaugnay sa charter change.
Kaugnay nito, imbitado rin ang mga ekonomista para timbangin ang naturang panukala.
Ang dalawang grupo ay hahatin kung panahon na ba o hindi para para amyendahan ang Konstitusyon.
Mababatid na nasa 11 ang panukala at resolusyon ang inihain sa Kamara, kaugnay sa charter change.
