Kongresista, hangad ang patuloy na pag-alala kay Sec. Jesse Robredo

NAGA CITY – Umaasa si Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr. na nawa’y hindi matigil ang pag-alala kay dating Naga City Mayor at Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sa mensahe nito sa 66th birth anniversary ni Robredo kahapon Mayo 27, 2024, sinabi nitong nagagalak siya dahil hindi nakakalimot ang lungsod ng Naga na alalahanin ang mga nagawa ng dating kalihim,  ngunit sa kabilang banda, nalulungkot siya dahil sa nakikita niya na sa labas ng lungsod, tila hindi na masyadong inaalala ang namayapang opisyal.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Aniya, hindi basta basta ang mga iniwang pangaral at legasiya ni Robredo lalo na sa larangan ng tamang pamamahala hindi lang sa mga Nagueño kun’di sa buong bansa. Samantala, nagpasalamat rin si Bordado kay Naga City Mayor Nelson Legacion dahil sa kauna-unahang pormal na pag-imbita sa kanya ng alkalde matapos ang ilang buwan. Matatandaan na noong mga nagdaang buwan, naging mainit ang pangalan ng bawat isa dahil sa kaliwa’t kanang isyu na nagsilabasan sa lungsod.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash