Nagluluksa ngayon ang basketball world sa pagpanaw ni 2-time NBA Champion at legendary player Bill Walton sa edad na 71.
Nabatid na matagal nang nakikipaglaban sa sakit na cancer si Walton.
Siya ang MVP ng NBA noong 1977-78 season, at hinirang din bilang 6th man of the year ng liga noong 1985-86.
Miyembro din ito ng 50th anniversary at 75th anniversary team ng NBA.
Naglaro ito sa Portland Trailblazers, Los Angeles Clippers at Boston Celtics.