Kamehameha wave sa presinto ang dalawang content creator na nagbihis na Son Goku at Spiderman matapos kumalat ang kanilang peligrosong content na ginawa sa gitna ng Cebu Transcentral Highway.
Base sa viral video na kumalat sa social media, may mga ginagawang eksena sa gitna ng highway ang dalawa at maging sa mga motoristang dumaraan doon.

Ayon sa mga otoridad, pinatawag ang dalawa sa police station para humingi ng tawad at magpaliwanag sa kanilang ginawang content. Pinatawad naman ng motorista ang dalawang content creator at nangako silang hindi na uulitin ang ginawa nilang content.
Photo: Sheila Mae Altubar