KOJC, tinapatan ang pabuya ng DILG

Magbibigay ng P20 milyong pabuya ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa mga makapagbibigay ng impormasyon kung sino ang nag-donate ng P10 milyong pabuya laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa legal counsel ng pastor na si Atty. Israelito Torreon, interesado at handa ang KOJC na harapin ang pribadong tao na ito at kung kanayng ikinagalit kay Quiboloy.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Dagdag pa niya, naghahanap din ng impormasyon ang mga opisyal ng KOJC sa umano’y assassination team na binuo laban kay Quiboloy.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Nang tanungin kung paano nila ibe-verify ang impormasyon tungkol sa plano ng pagpatay, sinabi ni Torreon na ito ay pagdedesisyonan lamang ng mga opisyal ng KOJC.