Ilang mangingisda sa Bataan, lubos pa ring naaapektuhan ng oil spill

Bumaba ang farmgate price ng mga isda sa lalawigan ng Bataan matapos ang oil spill mula sa MT Terra Nova, ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Kabilang sa pagbaba ang presyo ng alubaybay o sardinela albella na nasa P50 kada kilo, mahigit kalahati ang binaba mula sa sa P120 kada kilo bago ang oil spill.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Saad ni Pamalakaya chairperson Ronnel Arambulo, kahit na hindi kontaminado ang mga nahuli nilang isda at malayo sa tumagas na barko, labi pa ring binababaan ng mga fish traders ang presyo, na nagdudulot ng epekto sa kanilang kita.

Hinimok ng grupo ang Department of Agriculture at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na opisyal na magpatibay ng isang hakbang upang direktang makakuha ng mga agri-fishery products mula sa mga lokal na prodyuser sa makatwirang presyo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon sa Pamalakaya, nasa 9,000 mangingisda sa Bataan ang direktang naapektuhan ng oil spill at fishing ban sa bayan ng Limay.