KORONADAL CITY – SISIMULAN na ang pinakaunang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH Project sa Soccsksargen region. Kamakailan lang, isinagawa ang ceremonial groundbreaking ng naturang housing project sa lalawigan ng South Cotabato sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD 12 kasama ang provincial government ng South Cotabato, Pag-Ibig Fund at contractor na Qonstech Construction Corporation.
Ang West Creek 4PH Village ay itatayo sa isang ektaryang lupain sa Barangay Sta.Cruz, Koronadal City. Ito ay 5 storey building na may 360 units at may project cost na P 416 million.
Ang bawat unit ay may lawak na 27.5 square meters. Lumagda din sa MOA sina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr at Architect Antonio Villanueva Jr, President sang Qonstech Construction.
Ayon kay DHSUD Assistant Secretary Melisa Aradanas na layon ng departamento sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga ahensya na makapagpatayo ng affordable na housing project para sa lahat ng nasa informal sector, mga empleyado ng gobyerno, at maging mga Overseas Filipino Workers.
