KOJC, ‘di pa dapat magbunyi – PNP

Maghahain ng petition for clarification ang Philippine National Police sa Davao City Regional Trial Court matapos maglabas ng temporary protection order ang korte sa Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, masyado pang maaga para magdiwang ang mga myembro ng KOJC.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sabi ni Col. Fajardo, malinaw na nakasaad sa protection order na dapat tanggalin lang ng PNP ang mga harang at barikada sa KOJC compound pero walang sinasabing pinapahinto ang pagsisilbi ng warrant of arrest kay Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, sa kabila ng resistance ng mga KOJC members na nagresulta sa pananakit umano sa mga pulis, nananatiling high-morale ang mga ito.

Dumating na rin ang augmentation team mula sa iba pang Police Regional Offices para humalili sa mga pulis na nauna nang naideploy sa lugar.