10 pasahero ng lumubog na bangka sa Romblon, patuloy na pinaghahanap ng PCG

Patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard Aklan sa 10 taong nawawala sa lumubog na 2 motorbanca sa San Jose, Romblon.

Ito ay dahil sa malakas na mga alon na naging sanhi ng paglubog ng mga bangka habang binabagtas ang Caluya, Antique, partikular sa gitna ng Carabao Island at Boracay Island.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ayon kay Coast Guard Aklan Station Commander Lt. Junior Grade John Laurence Banzuela, 20 pasahero ang lulan ng bangka kung saan 14 ang on board sa isa at anim sa pangalawang bangka.

Read More:  House prosecutors await VP Sara’s appearance in impeachment trial

Samantala, kinumpirma ni Banzuela na maayos ang physical conditions ng mga nailigtas nang pasahero at kasalukuyang nananatili sa kalinga ng San Jose MDRRMO, habang on-going parin ang imbistigasyon sa nangyaring insidente.