SORSOGON CITY–Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Juban, Sorsogon bukas, Hunyo 13 kasunod ng muling pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan.
Batay ito sa kautusan ni Mayor Antonio Alindogan bilang bahagi ng pag-iingat laban sa epekto ng ashfall at sa panganib na dulot ng pagputok ng bulkan.
Mababatid na ang bayan ng Juban ang siyang pinakaapektado ng pag-alburuto ng Bulkang Bulusan kung saan mahigit 300 indibidwal o 103 pamilya ang lumikas simula pa noong Biyernes.
Sa ngayon ay mas maraming barangay sa nasabing bayan ang nakaranas ng matinding ashfall kumpara sa unang pagbuga ng abo ng bulkan noong Hunyo 5.###
