Sorsogon Gov sa Bulusan volcano eruption: “No declaration of state of calamity”

SORSOGON CITY–Hindi magdedeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Sorsogon sa gitna ng muling pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan.
Ito ang inihayag ni Governor Chiz Escudero sa press briefing ngayong Linggo ng hapon.
Anya, maging ang bayan ng Juban ay hindi rin magdedeklara ng state of calamity dahil kakaunti lang naman na barangay ang apektado.
Hindi umano gaya ng ibang mga bulkan na mayroong lava flow, ang Bulkang Bulusan ay abo lamang ang ibinubuga.
Kaugnay nito ay tiniyak din ng gobernador na sapat pa ang pondo ng probinsya kung saan nananatiling in tact ang calamity fund at quick response fund.
Sa ngayon ay nasa 11,348 na indibiwal o katumbas ng 2,877 na pamilya ang apektado ng pag-alburuto ng bulkan kung saan 338 ang lumikas na katumbas ng 103 pamilya.
Base sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), tatlong barangay ang nakaranas ng matinding pagbagsak ng abo kabilang ang Bacolod, Rangas at Añog sa bayan ng Juban.###

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting
Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion