Klase ng Public Elementary at Secondary Schools sa Maynila, half-day mula Apr 11

Inatasan ng Division of City Schools (DCS)-Manila ang lahat ng pampublikong paaralan sa Maynila mula Elementary and Secondary schools na half-day na lamang ang pasok ng mga mag-aaral simula April 11 hanggang May 28.

Sa memorandum na pinirmahan ni DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa Lomeda, layon nitong maibsan ang masamang epekto ng El NiƱo lalo na sa mga estudyante.

Ibig sabihin, pinapayagan lamang ang mga nabanggit na mga paaralan na magsagawa ng klase mula 6AM hanggang alas-dose ng tanghali.

Magsasalitan ang pang umaga at paghapon na klase sa half day na Face-to-face classes; habang otomatikong sasailalim sa asynchronous classes ang walang F2F na klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *