Higit 2K na street dwellers sa Maynila – nasagip ng MPD

Nagsagawa ng rescue operations ang Manila Police District (MPD) sa mga street children at street dwellers sa iba’t ibang lugar sa Maynila mula March 1 hanggang April 5.

Ito’y bahagi ng pagpapatupad sa anti-terrorism o anti-crime strategy para maiwasan ang kabi-kabilang krimen sa lansangan at matiyak ang seguridad ng publiko.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Umabot sa higit 2K na mga menor-de-edad ang nasagip ng MPD.

Ayon sa naturang himpilan, itinurn-over na ang mga nadakip na kabataan sa kustodiya ng barangay at Manila District Social Welfare; habang ang kani-kanila namang magulang ay isasailalim sa counseling.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay MPD Chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, layunin ng operasyon na bigyang dignidad, tiyakin ang karapatan, at bigyang suporta ang mga nasagip na kabataan.