Isang bus sa Kenya, tinangay ng tubig-baha; 51 pasahero, nasagip

Limampu’t isang pasahero ang nasagip matapos tangay ang bus na kanilang sinasakyan ng tubig baha sa hilagang Kenya.

Bagama’t patuloy nang humupa ang baha, kinumpirma ni Tana River county commander Ali Ndiema na stranded pa rin ang nasabing bus sa ilog mga 30 metro ang layo mula sa tulay.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon kay Ndiema, nananatiling sarado ang daan at ang sinumang mapapatunayang lumabag sa utos ay aarestuhin at kakasuhan.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Sa ngayon, ligtas na ang lahat ng pasahero at pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng bus na iniwan ang kanyang mga pasahero sa rumaragasang tubig.