Sinimulan na ni King Charles III ang kanyang unang state visit sa France bilang monarch.
Kasama ang kanyang asawa na si Queen Camilla, lubos na tinanggap ang dalawa sa paliparan ng Paris Orly, kung saan sinalubong sila ni Punong Ministro Elisabeth Borne.
Ito’y para sa isang resecheduled trip na naglalayong ipakita na ang mga fundamentals ng cross-Channel alliance ay nananatiling matatag sa kabila ng political tension matapos ang BREXIT.
Una nang binalak ang state visit ng hari sa bansa nong MarsoNgunit natigil ito dahil sa malawakang rioting at welga sa buong France laban sa mga reporma sa pensiyon.
