Bilang ng condominuim units na itatayo sa Balatas development area sa Naga City binawasan dahil sa problema sa kalidad ng lupa

NAGA CITY – Nabawasan ang storey units na itatayong Condominium Rise Building sa Balatas Development Area sa Naga City, matapos na matuklasan na may problema sa kalidad ng lupang sanang tatayuan nito.

Sa halip na 12 storey, anim na storey unit na lamang ito, ayon kay City Administrator Elmer Baldemoro.

Bagamat may ganitong problemang natuklasan, tiniyak ni Baldemoro na wala namang magiging isyu lalo na doon sa mahigit 100 ng mga naunang nabigyan ng certificate of ownership. 

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Naniniwala ang opisyal na may solusyon namang ilalatag ang mga contractors bago ito ipatupad bago magtapos ang kasalukuyang taon 2023.

Aniya’y dalawang taon na tatrabahuhin ang national projects na ito na kung saan mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging pangunang bisita sa ginanap na ground breaking ceremony sa lugar.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tuloy naman ang pagtanggap ng mga aplikante para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program na ito na may layuning magkaroon ng mas komportableng bahay ang mga taga lungsod lalo na ang mga maralitang may kakayahang bayaran ang monthly amortization nito.