Nagpaalam na ang actress na si Kim Chiu sa kanyang karakter bilang si Secretary Kim, sa kanilang hit romantic series na ‘What’s Wrong With Secretary Kim.’
Inilabas na kasi ang finale ng Philippine adaptation ng naturang hit K-Drama na pinagbidahan nina Kim at Paulo Avelino.
Sa Instagram post ng aktres, sinabi nito na hindi siya makapaniwala na narating na nila ang last episode.
Ibinahagi niya na noong una, nagkaroon siya ng pagdududa at takot sa pagganap bilang Secretary Kim ng Pilipinas.
Sa kabila nito, pinanghawakan niya ang pagtitiwala sa process.
Sa huli nagpapasalamat si Kim sa mga nakasama niya sa ‘once in a lifetime project.’ (Jaime A Codizal – Brigada News Intern)