Boss Toyo – sasabak sa pulitika?

Kinumpirma ng content creator na si Boss Toyo na may nag-offer umano sa kanya na sumabak siya sa politika.

Sa isang interview, kinuwento ni Boss Toyo na inalok daw siyang maging konsehal sa Maynila, pero pinag-iisipan pa niya ito dahil siya’y baguhan pa lamang.

Bukod sa alok na pagiging konsehal, nakatanggap din siya ng iba pang alok sa ibang pwesto.

Ayon pa sa kanya, mas pipiliin niya daw magsilbi sa publiko kaysa um-acting.

Sinabi naman ng content creator na marami siyang plano ngunit naghihintay pa rin siya kung ano ang gusto niya.

Sa ngayon mayroon na siyang 880k subscribers sa Youtube at 8.7M followers naman sa Facebook. (Justine M. Jumarang – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *