Hindi raw magpapatinag ang transport group na PISTON sa pagsasagawa ng mga kilos-protesta para tutulan ang PUV Modernization Program, sa kabila ng pagtatapos ng deadline para sa franchise consolidation.
Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PISTON National President Mody Floranda, sinabi nitong mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay tuloy-tuloy ang ikinakasa nilang mga hakbang kaugnay sa pagtutol dito.
Iginiit din ni Floranda na taliwas sa sinasabi ng LTFRB na 70% na ng mga jeep sa buong bansa ang nakapag-consolidate sa – wala pa sa nasabing porsyento ang tunay na bilang ng mga tsuper na nakapag-comply na.
Samantala, nilinaw nito na pumapasada pa rin ang ilang mga jeep, hindi lamang sa Metro Manila, kung ‘di sa buong bansa.
Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang pagpasada bilang pagbibigay-serbisyo sa mga Pilipino.