AFP, handang tumulong sa Japan matapos ang lindol

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang buong suporta sa Japan Self-Defense Force.

Ito’y makaraang tumama ang 7.5 magnitude na lindol sa Japan kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Chief of Staff general Romeo Brawner, na handa silang tumulong sa JSDF kung kakailanganin.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Ayon kay Brawner, sa panahon ng krisis, mahalaga ang international cooperation kung kaya’t nakaantabay sila sa anumang pangangailangan ng Japan.

Committed anya ang AFP na mapatatag pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan lalo pa at isa ang Japan sa maituturing na kaibigan ng bansa at kaisa sa hangarin ng pagsulong ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Kasunod nito, nagpahayag naman ng simpatya si Brawner para sa mga indibidwal na naapektuhan ng malakas na lindol.