Kauna-unahang namatay dahil sa paputok, ligaw na bala, kinumpirma ng DOH

Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) na mayroon nang isang kaso ng nabiktima ng ligaw na bala, at isang napatay nang dahil sa paputok.

Ayon sa DOH, ang unang confirmed stray bullet injury o SBI ay isang 23-anyos mula sa Davao Region.

Read More:  ₱56.6M shabu seized at NAIA; Two Filipinas arriving from Cambodia arrested

Nagtamo umano ito ng tama ng bala sa kaniyang upper back.

Samantala, isa namang trenya’y-otso na lalaki ang unang napatay dahil sa paputok.

Read More:  Marcoleta drops ‘Senator’ title for Ping Lacson

Ayon sa DOH, sinidihan umano nito ang isang sigarilyo habang umiinom malapit sa mga paputok.

Sa kabuoan, mayroon nang 443 na fireworks-related injuries, matapos madagdagan ng 212 new cases sa nakalipas na magdamag.