Kelvin Miranda, ipinagkibit-balikat ang kumakalat na isyu ukol kay Sam Smith

Ipinagkibit-balikat ng actor na si Kelvin Miranda ang kumakalat nitong isyu tungkol sa American singer na si Sam Smith

Nadawit ang pangalan nito matapos kumalat ang blind item ng director na si Daryl Yap tungkol sa na-book daw ng international singer sa halagang isang milyong piso kada gabi.

Aniya, hindi naman daw ito totoo at hindi niya rin madidiktihan ang isip ng tao kaya’t wala na siyang magagawa rito.

Inamin ni Kelvin na naapektuhan pa rin siya at hindi pa siya sanay na nasasangkot siya sa mga ganitong intriga.

PHOTO COURTESY: Kelvin Miranda (Facebook)