Nabawi ng San Beda University ang titulo sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament matapos talunin ang Mapua University, sa iskor na 76-66.
Nanguna si Yukien Andrada para sa Red Lions, na umiskor ng siyam sa kanyang game-high na 20 puntos sa fourth quarter, kabilang ang tatlong triples.
Hinirang namang Most Valuable Player ng Finals si James Payosing.
Ito na ang ika-23 overall championship ng San Beda sa senior ranks at ang kanilang “comeback title” mula noong 2018.
COURTESY: SAN BEDA RED LIONS (FACEBOOK)
