Kawalan ng penalidad at mataas na suplay ng baboy, rason bakit hindi nasusunod ang taripa – Sorsogon Hograisers

SORSOGON CITY–Naniniwala si Sorsogon Hograisers Association President Joy Mengorio na ang kawalan ng konkretong mga polisiya tungkol sa mga penalidad, gayundin ang mataas na suplay ng baboy ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng taripa sa bilihan ng baboy sa ilang mga bayan sa lalawigan sa mga nakalipas na buwan ay hindi naman ito nasusunod.

Paliwanag ni Mengorio, ang mga ipinatutupad kasing taripa ay wala namang nakasaad kung mayroong mga penalidad na kahaharapin ang buyers kapag hindi nito sinunod ang nasabing taripa, kung kaya hindi ito gaanong binibigyang atensyon ng mga buyer.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya pa, marami din ang suplay ng baboy sa nakalipas na mga buwan kung kaya’t ang mga buyer ay maraming mapagpipilian na nagreresulta naman upang ang ilang mga hograisers ay mapilitang ibenta ang kanilang mga alagang baboy sa murang halaga lalo na kung talagang mayroong pangangailangan sa pera. 

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Gayunpaman, sinabi ni Mengorio na sa ngayon dahil sa kaunting supply ng baboy,ay unti unti nang nababaliktad ang sitwasyon kung saan mga hograisers naman umano ang nasusunod, kaya mataas na ang presyuhan ng live-weight sa lalawigan.