Kawalan ng nti-venom vaccines para sa kagat ng ahas pinoproblema ng LGU-Milaor at ng iba pang mga bayan sa Camarines Sur  

NAGA CITY – Pinoproblema ng mga lokal na pamahalaan sa Camarines Sur ang kawalan ng supply ng anti-venom vaccines para kagat ng ahas sa mga pangunahing ospital kabilang na sa Bicol Medical Center at maging sa pribadong mga ospital sa lungsod.

Kabilang sa problemado ay ang LGU-Milaor na ayon kay Edwin Olitoquit,ang head ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office  dahil sa pangambang baka magkaroon sila ng snake bite incident ay saan sila tatakbong pagamutan o kukuha ng bakuna laban sa kamandag ng ahas.

Batay sa kanyang pahayag,sa Brigada  News Fm Naga, sinabi ni Olitoquit na sa Bicol Regional Training & Teaching Hospital sa Albay posibleng mag request nito sakaling may maging biktima ng kagat ng ahas sa kanilang lugar,kaya dapat mag doble ingat ang publiko iwasan ang masukal na lugar asin iba pang lugars na puwedeng tirahan ng mga ahas.             

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *