Kawalan ng helmet, madalas umanong violation ng mga motoristang nahuhuli ng PNP Cauayan City

Kadalasan umano sa nahuhuli ng Cauayan City Police Station sa kanilang mga checkpoint ay mga motoristang walang helmet alinsunod sa Republic Act No. 10054 o Motorcycle Helmet Act at walang driver’s license.

Ito ang kinumpirma ni PLT. Scarlette Topinio ang tagapagsalita ng PNP Cauayan City sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya, obligasyon ng mga motorista na tiyaking kumpleto ang papeles, may driver’s license at magsuot ng helmet upang maiwasang mahuli ng mga otoridad.

Hiniling naman niya ang kooperasyon ng publiko sa implementasyon ng Executive order no. 23 sa lunsod ng Cauayan partikular ang pagsusuot ng dobleng facemask, full coverage face shield at pagsunod sa social distancing.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon pa kay PLT. Topinio ang mga nahuhuling lumalabag dito ay hindi naman umano pinagmumulta kundi nagsasagawa ng community service.

Hinikayat rin niya ang publiko na tulungan ang mga ahensya ng gobyerno at otoridad sa pagpapatupad ng safety protocols at makipag-ugnayan lamang sa kanilang istasyon kung may nalalamang illegal na aktibidad sa kanilang mga lugar.