‘Kilig Overload’ yan ang reaksyon ng mga netizens sa litrato ng aktres na si Kate Valdez kasama ang isang Japanese vlogger na si Fumiya Sankai.
Usap-usap ngayon ang naging selebrayong ng bithday ng aktres sa Hong Kong kung saan kasama niya ang vlogger sa sikat na pasyalan na Hong Kong Disneyland.

“Sila ba?” yan ang tanong ng netizens matapos ang Ig post ni Kate kung saan naka-tag si Fumiya at sinabing “Thank you for making my birthday so magical and for making the kid in me feel so happy.”
Sa isang post naman ni Fumiya ay binati niya ang aktres at sinabing first time niyang magtravel sa Hong Kong.
Umani naman ang mga litratong ito ng hinuha mula sa mga netizens na mag-on ang dalawa at sinabing “Kinikilig ako,” Omg for me bagay!!!!”.
#