Hindi ‘show of force’ sa alinmang bansa ang katatapos lamang na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.
Binigyan-diin ni Navy spokesperon for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ito’y show of committment sa international law.
Samantala, inaasahang magkakaroon pa ng mga susunod na MMCA sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at mga kaalyadong pwersa.
Ayon kay Trinidad, hindi niya lang masabi kung aling mga bansa pa ang susunod na makakasama sa MMCA, pero pero prayoridad ang paghikayat sa international community ng mga like-minded nations.
Kaugnay naman ng negatibong pagtanggap ng China sa MMCA, sinabi ni Trinidad na iyon ay sarili nilang “narrative”, pero sila ang gumagawa ng illegal, coercive, agressive and deceptive action na lumilikha ng kaguluhan sa WPS at buong South China Sea.